Opinyon

Vandalismo

Vandalismo Ito ang tugon ng mga estudyante ng PUP at UP.  Sa binabalak na 2000 porsyentong pagtaas ng matrikula sa PUP, aligaga ang administrasyon nito na pagdiinan ang naging rekurso ng mga nagproprotestang estudyante, sinunog ang mga bulok na silya.  Sa UP naman, dahil ayaw bumaba ng presidente nito at ang rehenteng kaka-renew lang ang […]

Sino ba’ng dapat iboto?

Tungkulin kong magbigay ng opinyon, pero bakit hanggang ngayo’y wala pa akong posisyon? Huwag mo munang itanong kung sino ang nararapat na iboto. Tulad ng marami pang Pilipino, hindi pa po ako desidido.

El Niño

Enero pa lang at mainit na. At ang tanging maagang nakikinabang sa el nino ay ang pangulong nagpopolitisa nito.

Pag-alala sa PP 1017

Sa ating pag-alala sa nangyari apat na taon na ang nakaraan, tunay na hindi na dapat maulit ang imposisyon ng PP 1017. Hindi dapat payagang manumbalik ang batas militar sa Pilipinas. Hindi dapat hayaang manatili sa puwesto ang mga hindi karapat-dapat.

Hindi lang numero ang 43

May mukha sa likod ng estadistika, may konteksto sa bawat numero. Mainam na bigyang pangalan ang bawat biktima ng karahasan. Hindi natin dapat hayaan ang sarili nating maging manhid sa pansamantalang ginhawang hatid ng simpleng pagtingin sa mga numero.

Pambihirang pagkakataon

Kabaligtaran ang katotohanan, katotohanan ang kahungkagan. Ang mga pangyayari’y sumusunod sa kumpas ng iilang makapangyarihan na dapat lang tutulan ng nakararaming mamamayan.

Salamat po Pangulong Arroyo para sa footbridge na ito

Ito ang higanteng tarpaulin na magkabilaang bumabalandra sa mga dumadaan ng Commonwealth Avenue, patungong Quezon Memorial Circle. “Calling card” kumbaga ni Gloria Arroyo sa paghahanap ng legacy ng kanyang termino. Na kahit ang opisyal sa Quezon City na nagpagawa ng anunyso na bawal ang political propaganda sa mga lansangan nito ay tila nagkikibit-balikat na lamang.

Balikbayan box

Sa airport sa Honolulu, kaiba ang pila sa Philippine Airlines.  Kung sa ibang airlines ay mabilis ang pagproseso ng ticket at boarding pass, mabilis ang pila dahil mabilis ang mga pasehero sa pagbitbit ng kanilang bagahe, sa destinasyong pa-Pilipinas ay hindi. Magkakasinglaking kahon ang bitbit ng maraming pauwi ng Pilipinas.  Naperfekto na ang paraan ng […]