Ang yumaong pangulo at ang kanyang pangarap sa bayan
Naihatid na sa huling hantungan si dating pangulong Corazon Aquino. Marami ang nagnanais na ialay sa kanya ang iba't ibang titulo't pagkilala. Ngunit marahil, ang pinakamahalagang pagkilala ay ang pagpapatuloy ng pakikibakang kanyang sinimulan kasama ang taumbayan.