Di banta sa paghahari ng mga panginoon
Tila masyadong madali para paniwalaan pa. Laluna’t kung isasaalang-alang natin ang mapait na huling 21 taon ng CARP – 21 taon ng patraydor na pagkait sa mga magsasaka sa tunay na repormang agraryo sa pamamagitan ng samu’t saring palusot at pagbabagal para lamang hindi mapamahagi ang mahigit dalawang milyong ektarya ng lupaing sakahan sa bansa.