Sa kaso ni Marlon, walang naibigay na paliwanag ang Aeroplus. Kaya, sabi ng Korte Suprema, nagkamali ang NLRC. Ito ang dahilan ng pagbaliktad ng Korte Suprema sa desisyon sa kaso ni Marlon at inutusan nito ang Aeroplus na bayaran ang kaukulang backwages at separation pay.
Ikinabahala ng grupong Kontra-Daya ang appointment kay Garcia. Hindi na nga nakakatulong, lalo pang nagpapasidhi sa mga usapin ng tiwala at kredibilidad ng Comelec ang pagtalaga sa dating abogado ni Marcos.
Madalas na nababanggit ang kalayaang pang-akademiko kaakibat ng kalayaang mag-isip at magpahayag, na pawang mahalaga sa isang demokrasya. Ang lahat ng ito ay sinasagkaan ngayon sa bansa gamit ang red-tagging, panunupil, at mga batayang halaw sa diskursong “kontra-terorismo.”
Makabuluhan ang panawagan para sa kapayapaan. Ngunit makakamit lamang ito kung lalabanan ang mapagsamantala at mapang-aping sistema ng imperyalismo. Dapat kumalas ang Pilipinas sa sakal ng monopolyong pinansya sa ating bansa, paunlarin ang sariling ekonomiya, mamahala nang demokratiko, maglingkod ang hukbong sandatahan sa bayan at tunay na maging independiyente at kapantay ng ibang bansa sa internasyunal na pamayanan.
Hanggang ngayon, pinag-uusapan ang nakaraang State of the Nation Address o SONA ni Pang. Bongbong Marcos. Sinimulan niya ang kanyang mahigit isang oras na talumpati sa pagkilala na ang paghihirap ng ating ekonomiya sa kasalukuyan ay dulot ng pandaigdigang pandemyang COVID-19 at ng kasalukuyang hidwaan sa Europa. Gayunpaman, nananatili siyang positibo na kakayanin ang lahat […]
Sa kabila ng mga oportunidad na tinalakay natin sa kolum na ito noong nakaraan, nakalambitin pa rin ang tanong—ano ang plano ng bagong pangulo na si Marcos Jr. para sa mga Pilipino? Ayon sa Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang mga sumusunod ang priority ng pangulo: agricultural at food security, climate change adaptation, economic recovery, improved health care at education, enhanced infrastructure projects, utilization of renewable energy sources, strengthened tourism at jobs creation, at sustainable development. Ngunit nananatili itong malabo. Ano ang mga tiyak na proyekto na ipapatupad upang makamit natin ang mga ito? Mas mahalaga pa, paano pinaplanong tugunan ni Marcos Jr. ang mga tao mismo, lalo na ang mga mahihirap at mardyinalisado?
Sa ika-25 ng Hulyo, magaganap ang unang State of the Nation Address (SONA) ng bagong presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Dahil dito, nais kong talakayin natin ang maaaring (at sanang) lamanin ng kanyang SONA. Higit na mahalaga ang SONA na ito dahil hindi natin narinig ang palataporma ng pangulo noong kandidato pa lamang siya.
Tapos na ang unang State of the Nation Address (SONA) ng bagong pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.. Napuna ng maraming kritiko na walang nabanggit ukol sa sahod ng manggagawa, regularisasyon ng kontraktuwal, karapatang pantao, hustisya at kapayapaan. Magaling ang pananalita. Namutawi sa labi na “malusog” ang kalagayan ng bansa. “The state of the nation is […]
Sa hinaba-haba ng unang linggo ng bagong pangulo, pinag-usapan pa rin ang relasyon ng bansa sa US at China, ang mga kagamitang pandigma, mga plano ng malalaking negosyo, plano sa agrikultura at paglilinis sa mga ahensya. Sneak preview o paunang silip pa lamang ito kumbaga sa pelikula. Hindi pa buo ang kuwento sa magiging pagpapatakbo ng isang junior sa Palasyo.