Kontribusyon

Pandaigdigang kumperensiya sa pakikibaka ng mamamayan, isinagawa sa Maynila

Bilang paggunita ng mga pakikibaka sa gitna ng palalang krisis pandaigdigan, ginanap ang International Festival of People’s Rights and Struggles (IFPRS) noong Hulyo 4-6 sa Maynila. Naging layunin ng IFPRS ang paggunita sa nagdaang mga kaganapan sa iba’t ibang panig ng mundo na nagpakita ng palalang kalagayan ng pandaigidgang situwasyon, tulad ng mga naranasang food […]

Larawan: Sen. Bong Revilla, nagpakita ng suporta sa hiling na P125 dagdag-sahod

Ipinakita ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. ang suporta niya sa panukalang P125 makabuluhang dagdag-sahod na ikinakampanya ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para maisabatas. Kasama ni Revilla sa larawan ang mga lider-obrero ng KMU na bumisita sa kanya. Nagsumite sa Senado si Revilla ng counterpart bill ng panukalang batas para sa dagdag-sahod na isinumite sa Kamara ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano at sinuportahan ng mga progresibong mambabatas at iba pang kongresista. Nababalita ang pagsuporta rin ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa P125 dagdag-sahod. (Arnold Reign Solaon/Kontribusyon)

Noynoy sa UP: ‘Emperador na walang damit’

Binulabog ng protesta ng mga estudyante, guro at kawani ng Unibersidad ng Pilipinas si Pangulong Noynoy Aquino noong UP Graduation. Ang mensahe: Walang pagbabagong dala ang kanyang administrasyon.

Tatlong tula sa demolisyon

Tatlong tula tungkol sa demolisyon ng mga bahay ng mga maralitang taga-lungsod sa Jose Corazon de Jesus sa San Juan.

Pagpapadala ng OFW

Isang migranteng Pilipino sa Dubai, UAE ang nagpapadala ng perang pinaghirapan niya para sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Taun-taon, sinasabi ng gobyerno na remitans ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa. Pero tanong ng OFWs, ano ang ginagawa ng gobyerno para mapabuti ang buhay nila? (Kuha ni Ross Pivena sa Dubai, UAE)

Mga Larawan: Karapatan ng LGBT, ipinaglaban sa Pride March

Lumahok noong Disyembre 4 ang iba't ibang organisasyon ng komunidad ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgender), kasama ang mga progresibong organisasyon tulad ng Gabriela, sa isang "pride march" sa Quezon City para igiit ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT community. (Contributed Photo)