Kontribusyon

Larawan: Kababaihan ng New Zealand, nanawagang palayain ang Morong 43

Bitbit ang mga plakard na nananawagan ng pagpapalaya sa 43 manggagawang pangkalusugan na detinido ngayon sa Pilipinas, ipinakita ng mga kababaihang ito ng Aotearoa sa New Zealand ang pakikipagkaisa para sa laban para sa hustisya at kapayapaan sa Pilipinas. Naganap ito matapos ang isang porum kung saan nagsalita si Coni Ledesma, pandaigdigang tagapagsalita ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka), ang Ngapuhi leader na si Titewhai Harawira at aktibistang abogado na si Annette Sykes sa Auckland University noong Nob. 10. Kinondena rin ng kababaihang ito ang di-pantay at mapang-aping relasyon ng mahihirap at "imperyalistang" bansa na pinanananatili ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. (Kontribusyon)

Tatlong bayan sa Aurora, di marating dahil sa landslide

Jason de Asis (Salin ng Pinoy Weekly Staff mula Ingles) Tatlong bayan sa lalawigan ng Aurora ang mistulang nahiwalay sa iba pang bahagi ng lalawigan dahil sa serye ng mga pagguho ng lupa dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan at malakas na hangin. Daan-daang pasahero papunta sa mga bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag ang naistranded […]

Pagmumuni-muni ni PNoy (tula)

Mula sa isang mambabasa ng Pinoy Weekly na nakakuha ng inspirasyon mula sa pagbabakasyon ni Pangulong Aquino sa asyenda

Video: Laban ng maralita sa North Triangle (Mayday Multimedia)

Sa bidyo-ulat na ito ng Mayday Multimedia, naipakita ang marahas na paggamit ng puwersa ng Philippine National Police at National Housing Authority laban sa mahigit 6,000 residente ng Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City. Naipakita rin ang magiting na paglaban ng mga maralitang lungsod para depensahan ang kanilang mga tahanan.

Larawan: Unang taong anibersaryo ng Gabriela sa Hong Kong, ipinagdiwang

Pinangunahan ni Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela Philippines, ang pagdiriwang para sa unang taong anibersaryo ng Gabriela-Hong Kong kamakailan. Sinabi ni Linaban na kailangang pag-ibayuhin ang pag-oorganisa sa kababaihang Pinay sa Hong Kong para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes ng buong sambayanang Pilipino.