Lunas sa hinaing ng mga manggagawang pangkalusugan

May 22, 2023

Mula sa pampubliko at pribadong ospital, nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila noong Mayo 5 ang mga manggagawang pangkalusugan bilang paggunita sa National Health Workers’ Day. Bitbit nila ang mga panawagan para sa pagtaas ng sahod, seguridad sa trabaho, pagbigay ng karampatang benepisyo at proteksyon sa kanilang mga karapatan.

Si Rev. Wowa

May 11, 2023

Ayon kay Rev. Wowa, mahalaga ang kaniyang pagka-ordina bilang deacon noong Pebrero 24 dahil napangatawanan ng IFI ang mensahe nitong magmahalang hindi nakabase sa Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) at pisikal na anyo ng tao. Pagbalikwas din ito sa atrasadong pagbasa o pagtingin ng ibang grupo sa Bibliya.

wage hike

Umento sa sahod sa pananaw ng pamilyang Pilipino

May 7, 2023

Hindi na makasasapat ang katagang “isang kahig, isang tuka” upang ilarawan ang matinding kahirapan ng mamamayan. Sa harap ng walang awat na pagtaas ng presyo ng bilihin, hindi na makaagapay ang kakarampot na sahod ng mga manggagawa sa kasalukuyan. 

Wilma Tiamzon and Benito Tiamzon

Mag-asawang Tiamzon, 8 iba pa, minasaker—CPP

April 29, 2023

Minasaker ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang operasyong dinirehe ng Estados Unidos ang mga lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants na sina Benito Tiamzon, Wilma Austria-Tiamzon, at walo pa nilang kasamahan, sa Samar noong Agosto 21, 2022.