Anibersaryo ng Guimaras oil spill minarkahan ng protesta

August 12, 2010

Nagsagawa ng protesta ang mga grupong makakalikasan, mangingisda at siyentista sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City noong Agosto 11 para gunitain ang ika-apat na anibersaryo ng pagtagas ng langis ng kumpanyang Petron sa isla ng Guimaras. “Apat na taon na ang nakakalipas simula nang magkalat ng […]

Mga magsasaka sugatan, 2 inaresto sa usapin sa Hacienda Yulo

May 21, 2010

Daan-daang magsasaka ang nasugatan, ilan ang pinosasan habang dalawa ang ikinulong sa istasyon ng pulis matapos magkagulo kaninang umaga sa Sitio Buntog, Brgy. Canlubang sa Calamba, Laguna dahil sa usapin kaugnay ng Hacienda Yulo. Ayon kay Axel Pinpin, dating detenidong pulitikal at pangkalahatang kalihim ng Kasama-TK, nagpoprotesta malapit sa mayor na kalsada ng sityo ang […]

Dagdag kompensasyon sa BEIs hiniling

May 13, 2010

Hiniling ngayon ng Act Teachers Party-list sa Comelec (Commission on Elections (COMELEC) na bigyan ng dagdag na kompensasyon ang mga titser na nagsilbi sa BEI (Boards of Election Inspectors) sa katatapos lamang na halalan. Ayon kay Antonio Tinio, pambansang presidente at unang nominado ng Act Teachers, karapat-dapat lamang na purihin ang ginawa ng mga titser […]

Sarbey sa makakalikasang kandidato, ibinunyag

March 22, 2010

Ibinunyag ng isang alyansa ng mga grupong makakalikasan kung sino sa mga kumakandidato sa eleksiyong 2010 ang may malasakit sa kalikasan, at kung sino ang wala. Ayon sa Lyfe (League of the Youth for the Environment), na nakabase sa Unibersidad ng Pilipinas, isinagawa nila ang sarbey at background check na “Environment Vote 2010” para matulungan […]

Magsasaka tutol sa pagkopo ni Danding sa MRT7

March 12, 2010

Nagprotesta ang mga magsasaka sa harap ng punong tanggapan ng San Miguel Inc. sa Ortigas, Pasig City noong Marso 12 para irehistro ang kanilang pagtutol sa pagkopo ni Eduardo “Danding” Cojuangco sa proyektong MRT7. Ayon sa mga magsasaka mula sa Tungkong Mangga, San Jose del Monte, Bulacan, magdudulot ng pagpapalayas mula sa kanilang lupa ang […]

Sa ika-24 anibersaryo ng EDSA I: Pilipinas lalong lumala

February 24, 2010

Mas lalong lumala ang landas na tinahak ng Pilipinas, 24 taon makalipas ang pag-aalsang Edsa I na nagpatalsik sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, ayon sa Bayan (Bagong Alyansang Makabayan). “Makalipas ang 24 na taon, nasa mas malalang landas ang Pilipinas. Ang rehimeng Arroyo, gamit ang puwersa ng estado, ay lumabag sa karaptang pantao […]

Bayan Muna nanguna sa sarbey

February 11, 2010

Tatlong kinatawan ang mapapaupo ng Bayan Muna sa Kongreso kung ngayon gaganapin ang halalan, ayon sa pinakahuling sarbey na isinagawa ng Pulse Asia. Batay sa sarbey ng Pulse Asia noong Enero 22- 26, 8.03 porsiyento ang nakuha ng Bayan Muna, na “nagtitiyak” ng tatlong kinatawan para sa progresibong party-list. Pumangalawa sa Bayan Muna ang 1-Aangat […]

Mga Aeta mangangampanya laban kay GMA

February 2, 2010

Para sa sinumang nakakaaalam ng rekord ni Pangulong Arroyo, ang pagboto o pagkampanya para sa sinumang tatakbo laban sa kanya ay halos kasing dali lang ng pagbasa ng ABKD. Ito ang naging pahayag ng mga katutubong Aeta sa pagtakbo ni Pangulong Arroyo sa ikalawang distrito ng Pampanga. “Tanong pa ba kung sino ang iboboto ng […]

Katutubo tutol sa Laiban Dam

January 30, 2010

Tinatayang 10,000 katutubo at settlers ang nanganganib na mapaalis sa kanilang lupang tinitirhan kung matutuloy ang P52-billion proyektong Laiban dam sa pagitan ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) at San Miguel Corporation (SMC) sa Marso 2010. Pitong komunidad sa Tanay, Rizal at ilang lugar sa General Nakar sa lalawigan ng Quezon ang maaapektuhan ng […]