Balita

Gawa-gawang kaso vs Metodistang pastor, ibinasura

Ibinasura ng korte sa Oriental Mindoro ang kasong attempted murder laban sa Metodistang pastor na si Rev. Glofie Baluntong na malaon nang puntirya ng terrorist-tagging ng mga puwersa ng estado.

Aktibistang manunulat na si Amanda Echanis, malaya na

Inabsuwelto ng korte sa Tuguegarao City, Cagayan ang manunulat at tanggol-magsasakang si Amanda Echanis sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives matapos ang limang taon pagkakabilanggo.

Panukala sa serbisyo sa mag-aaral, aprubado na sa Kamara

Inaprubahan ng komite sa Kamara nitong Dis. 3 ang House Bill 212 o Delivery of Adequate and Accessible Services in Universities (Dasurv) Bill sa inihain ng Kabataan Partylist para tiyakin ang pagtamasa sa dekalidad at aksisbleng edukasyon.