Balita

2,000 residente sa Davao, dinemolis ang tirahan

Pinag-self-demolish ang mga residente at pinabebenta ang mga materyales ng bahay. Nagsimula ang paglikas noong umaga ng Peb. 27, habang inaasahan ang paparating na mga trak at bulldozer na sasagawa sa operasyon.

Gabriela, nagsampa ng reklamo laban kay Suntay

Inireklamo ng mga lider-kababaihan si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay sa House Ethics Committee dahil sa mga bastos na pananalita ng mambabatas sa pagdinig ng House Committee on Justice.

Barikada sa Dupax del Norte, itinayo muli

Bagaman itinigil na ang mga drilling operation sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, hindi pa rin inilalabas ng mga trabahador ng Woggle Corporation ang mga drilling machines at mga tubo na ginagamit sa kanilang operasyon.

Kumpirmasyon ng mga kaso ni Duterte sa ICC, tuloy na

Tuloy na ang paunang pagdinig ng ICC Pre-Trial Chamber I para sa kumpirmasyon ng mga kasong krimen laban sa sangkatauhan kaugnay ng mga patayan mula 2011 hanggang 2019 laban kay Rodrigo Duterte na magsisimula sa Peb. 23.