Balita

Unyonista sa Davao, hinaras ng NTF-Elcac

Kinondena ng Kilusang Mayo Uno ang panibagong insidente ng harassment sa hanay ng mga unyonista at manggagawa. Sinabi ng sentrong unyon na “walang nagiging pagbabago at lalo pang tumitinding ang pambabalasubas ng gobyerno at mga armadong [puwersa] nito sa kalayaan sa pag-uunyon at pag-oorganisa.”

De Lima, nakalaya na matapos ang halos pitong taon

Anim taon at walong buwang nakapiit sa punong himpilan ng Philippine National Police sa Quezon City si Sen. Leila de Lima matapos arestuhin noong Pebrero 24, 2017 sa kasong isinampa sa kanya noong kasagsagan ng “war on drugs” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Isang dekada mula Yolanda, hindi pa rin natuto

Sampung taon matapos humagupit ang bagyong Yolanda sa Silangang Kabisayaan, kita pa rin ang pinsala na iniwan ng sakuna. Mas lalo pang pinatindi ng mga proyektong hindi nakatuon sa kapakanan ng mga komunidad, kabuhayan at kalikasan.

Doxxing sa 2 mamamahayag sa CDO, ikinabahala

Ayon sa nagpakalat ng impormasyon ng mga mamamahayag na sina Leonardo Vicente "Cong" Corrales at Menzie Montes sa social media, hindi dapat nila pinupuna ang gobyerno dahil nakatanggap sila ng pabahay mula rito.

Brodkaster, binaril habang umeere

Nangyari rin ang pamamaslang ilang araw matapos gunitain ang International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists noong Nobyembre 2.

Ano ang nangyayari sa Gaza? Daluyong ng Al-Aqsa

Tinawag na Palestinian resistance, nagsanib ang dating hiwa-hiwalay na mga armadong paksyon para ilunsad ang pambihirang operasyon. Nagulantang ang sandatahang lakas ng Israel na ipinagmamalaking isa sa pinakamalakas at pinakasopistikado sa mundo.

Ano ang nangyayari sa Gaza? Zionistang okupasyon

Itinatag ang Estado ng Israel noong Mayo 1948 sa Palestine. Para maitatag ito, 15,000 ang pinatay ng Israel mula 1947 hanggang 1949 sa malawakang pagmasaker at sapilitang pagpapalikas sa mga Palestino, tinawag ito sa kasaysayan bilang “Nakba” o delubyo sa wikang Arabo.