Migrante

Migrante, hati ang damdamin sa deployment ban sa 41 bansa

Inihayag ng Migrante International na hati ang kanilang damdamin sa pagdeklara ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ng deployment ban sa 41 na bansa. Inaapela ngayon ng Department of Foreign Affairs ang nasabing deployment ban na ipinataw ng POEA dahil sa kabiguan ng mga nasabing bansa na pangalagaan ang kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) […]

Lider-simbahan, OFWs sa HK, kinondena ang pagpaslang kay Fr. Pops

Nanawagan ng hustisya para kay Fr. Fausto “Pops” Tentorio ang mga lider-simbahan at Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong, na naaalarma sa pagdami ng mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng gobyernong Aquino. Isang liham ng pagkondena sa pagpaslang ng Italyanong pari ang pinirmahan ng 19 lider-simbahan at relihiyosong organisasyon na naka-base sa […]

Migrasyon sa gitna ng krisis pandaigdig

Sa gitna ng tumitinding krisis ng kapitalismo, mga manggagawa, kabilang ang milyun-milyong OFWs, ang nagigipit at nagsasakripisyo. Ngunit saan ba patungo ang ekonomiyang nakaasa lamang sa remittances?

Bagong rekisitos para sa OFWs sa UAE, nagbunga ng korupsiyon?

Tinawag ng Migrante International na “kotong” ang affidavit of support (AOS), isang bagong rekisitos na ipinataw ng Philippine Consulate para sa mga Pilipinong patungo sa United Arab Emirates. Nagbunga rin umano ito ng korupsiyon sa mga opisyal ng Bureau of Immigration. Tinatayang P18-Milyon kada taon ang makokolekta ng gobyerno sa singil sa AOS, ayon sa Migrante. Nagkakahalaga […]

Ibang migrante sa HK, makikinabang sa pagpabor ng korte sa Pinay DH

Isang positibong hakbang para sa lahat ng foreign domestic workers (FDWs) ang desisyon ng High Court ng Hong Kong kahapon na pumapabor sa karapatang manirahan sa nasabing bansa ni Evangeline Banao Vallejos, isang Pilipinong domestic helper. “This decision is a positive step towards the promotion of better treatment for foreign domestic workers who have been […]

28 undocumented na OFW, dinakip sa Jordan

Dalawampu’t walong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dinakip noong nakaraang Lunes sa bansang Jordan. Ayon sa ulat ng Migrante-Middle East, nabiktima ang mga OFW sa malawakang crackdown ang gobyerno ng Jordan sa hindi dokumentadong mga migranteng manggagawa. “Batay sa mga ulat na aming natanggap, maraming OFWs ang humihingi ng tulong dahil sa pagkakadakip ng 20 […]

Estudyanteng Pinoy, niloloko ng ahente sa Melbourne?

Nabibiktima umano ng isang education agent ang mga estudyanteng Pilipino na hinihikayat mag-aral at pinapangakuan ng permanent residency sa Melbourne, Australia. Ayon sa grupong Migrante Melbourne, nilapitan sila ng mga estudyanteng Pilipino na nirekluta ng First Education Consultants o Firstec, isang Australyanong ahente sa edukasyon. Hinikayat ng Firstec ang mga estudyante  na mag-enroll sa iba’t ibang kurso […]

OFWs sa Hong Kong, tutol din sa budget cut sa edukasyon

Tutol din sa budget cut sa edukasyon ang mga migranteng Pilipino sa Hong Kong na nagpapaaral sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Ngayong araw, nagtungo sa Philippine Consulate General ang militanteng OFWs (Overseas Filipino Workers) para kondenahin ang umano’y kapabayaan ng gobyernong Aquino sa mga mamamayan dahil sa malalaking kaltas sa badyet para sa serbisyong sosyal, […]

Rasismo laban sa mga Pinoy sa Libya, pinangangambahan

Nangangamba ang Migrante International sa kaligtasan ng mga Pilipinong nananatili sa Libya, sa gitna ng mga ulat na tinatarget ng mga rebeldeng kontra-Gaddafi ang mga migrante at mga mamamayan mula sa ibang nasyunalidad. “Dapat pabilisin ng gobyerno ang repatriation ng tinatayang 14,000 Pilipino pa sa Libya, at maglabas ng regular na ulat hinggil sa kanilang […]

Komunidad ng Muslim sumuporta sa pagtutol sa giyera ng agresyon sa Gitnang Silangan

Nakiisa ang komunidad ng mga Muslim sa pagkokondena ng panibagong imperyalistang agresyon ng US sa gitnang Silangan. Bitbit ang panawagang “Stop the War! Stop US-NATO Intervention in Libya!” na nakasulat sa salitang Arabo, umikot ang isandaang katao sa Libya Street sa Tandang Sora, Quezon City matapos ang pagdsarasal mula sa kanilang mosque. Ito ay para […]