Badyet ng gobyerno, P261 lang kada OFW
Kung totoong isa sa mga prayoridad ng gobyerno ang kapakanan ng Overseas Filipino Workers, bakit nasa 0.17 porsiyento lamang ng P1.8 Trilyong badyet ang nakalaan sa direktang serbisyo para sa kanila?
Kung totoong isa sa mga prayoridad ng gobyerno ang kapakanan ng Overseas Filipino Workers, bakit nasa 0.17 porsiyento lamang ng P1.8 Trilyong badyet ang nakalaan sa direktang serbisyo para sa kanila?
Hindi lamang pagtataas ng alarm level, kundi kongkretong mga direktiba mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang hinahanap ng libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na naiipit sa gulo sa Syria. Itinaas na ng DFA ang Alert Level 3 sa Homs, Latakia at Daraa sa Syria, sa gitna ng malawakang crackdown ng gobyerno ng Syria […]
Muling kinuwestiyon ng Migrante International ang pagsandal ng ekonomiya ng Pilipinas sa remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs), sa gitna ng pandaigdigang debt crisis na inaasahang lubhang makakaapekto sa daloy ng OFW remittances at lalong maglulugmok sa ekonomiya ng bansa. “May dalawang epekto sa OFWs ang debt crisis: ang posibleng malawakang tanggalan sa mga bansang apektado […]
Dinahas ng mga guwardiya ng SM Mall of Asia sa Pasay City ang mahigit 30 na Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na nagsagawa ng demonstrasyon laban sa programang pautang ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na inilunsad sa 1st National Congress of OFWs and Families. “Grabe ang tulakan, ilan sa amin ang […]
Hinamon ng Migrante International si Pang. Benigno Aquino III na lumikha ng mga trabaho sa Pilipinas at talikuran ang “bangkarote” na labor export policy, sa gitna ng mga balitang posibleng mapauwi ang may 350,000 na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia. “Walang trabahong naghihintay para sa kanila, dahil mayroon tayong halos 12 milyong walang […]
Nagtungo sa Labour Department ng Hong Kong ang pinakamalaking alyansa ng mga migrante para ihain ang petisyon para sa dagdag-sahod ng tinatayang 285,000 foreign domestic workers (FDWs) sa nasabing bansa, kabilang ang mga Pilipino. Noong Hunyo 1, inilunsad ng Asian Migrants’ Coordinating Body (AMCB) ang kampanyang “Ok to 4k” para igiit sa gobyerno ng Hong […]
Sinuportahan ng pandaigdigang alyansa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang panawagan para sa tuition moratorium sa gitna ng pag-apruba ng Commission on Higher Education (Ched) sa siyam na porsiyentong pagtaas ng singil sa matrikula sa 282 unibersidad at kolehiyo sa buong bansa. Ayon kay Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, kabilang ang mga OFW […]
Hong Kong–Kabilang ang mga Overseas Filipino Worker sa libu-libong mga migranteng manggagawa na nagdiwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa, sa pamamagitan ng pagdaos ng isang kilos-protesta para igiit ang pagsama sa kanila sa Statutory Minimum Wage Law ng nasabing bansa. Sa kasalukuyan, hindi kasama sa binibigyan ng minimum na sahod ang mga foreign domestic worker […]
Inireklamo ng mahigit 300 na Overseas Filipino Worker (OFW) ang patuloy na pagkakait sa kanila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa P10,000 financial assistance, matapos sapilitang mapauwi dahil sa epidemikong malaria sa Madagascar. Ngayong araw, muling dumagsa ang mga manggagawa sa tanggapan ng OWWA sa Pasay City para singilin si OWWA Administrator Carmelita Dimzon […]
Isang babaing Overseas Filipino Worker (OFW) ang hindi pa rin naiuuwi ang mga labi, pitong buwan matapos paslangin sa kusina ng kanyang employer, ayon sa grupong Migrante-Middle East. Dahil sa umano’y kawalan ng aksiyon ng gobyerno, nananatili sa King Fahad Hospital sa Al-Khobar, silangang bahagi ng Saudi Arabia, ang 22-anyos na si Romilyn Eroy-Ibanez. Noong […]