Main Story

Sigaw ng mga naulila: Duterte, ikulong!

Humarap sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado si dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa giyera kontra droga. Walang bagong impormasyon, ngunit patuloy ang mga kaanak ng biktima ng pamamaslang sa pagigiit ng katarungan.

Labanang pamilya sa darating na halalan

Dinastiyang politikal pa rin ang namayagpag nitong nakaraang paghahain ng kandidatura. Bagaman may ilang hindi mula sa angkan ng mga politiko, lumalabas sa datos na magiging labanan pa rin ng pamilya sa pamahalaang nasyonal at lokal.

Baryang dagdag-sahod, insulto

Nagdagdagan man ang minimum na sahod sa ilang rehiyon, insulto pa rin itong maituturing sa mga manggagawa dahil napakalayo pa rin ng sahod sa nakabubuhay na halaga. Hindi barya-barya ang kailangan ng mga manggagawa, kundi makatarungan at makabuluhang kita para sa kanilang pamilya.

Nagpapakain sa bayan, dinadahas, pinapatay

Nagpapatuloy ang pakikibaka ng magsasakang Pinoy para sa kanilang mga karapatan at sa tunay na reporma sa lupa. Pero nilalamon sila ng mga panginoong maylupa at pribadong korporasyon gamit ang armadong pwersa ng estado para supilin silang mga nagpapakain sa bayan.

Patuloy na martial law ngayon

Nakatatak na sa kaibuturan ng estado at mga ahente nito ang marahas na panunupil sa mga karapatan ng mamamayan na lalong sumidhi nang ipataw ang batas militar at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Dinadagit na mandaragat

Pinalabnaw ang panukalang batas para sana siguruhin ang karapatan at protektahan ang kabuhayan ng mga Pilipinong mandaragat. Kaninong kapakanan ba ang isinusulong ng Magna Carta for Filipino Seafarers?