Manindigan para sa teritoryo’t soberanya!
Walang makapagbibigay-katuwiran sa panibagong serye ng agresibo at marahas na aksiyon ng Tsina sa karagatang sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Dapat kondenahin at panagutin ang Tsina sa pagbabanta sa buhay ng mga Pilipino.