Opinyon

Bagyo, peryodismo at gobyerno

DAEJEON, Timog Korea – Sinusulat ko ito sa panahong muling nakakaranas ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas bunga ng paparating na bagyong Pepeng (Param). Batay sa mga nakalap kong balita mula sa midya sa Pilipinas, malinaw na ang pag-alis ng bagyong Ondoy (Ketsana) ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos sa trahedyang kinakaharap ngayon […]

Anunsyo matapos ng baha

Matapos ang baha, binaha ang mamamayan ng dalawang kakatwang anunsyo mula sa National Disaster Coordinating Center na muli’t muling inaalingawngaw ng mga coverage ng balita: una, kung hindi kinakailangan, huwag gamitin ang sasakyan dahil naantala ang operasyon ng pagtulong at pagligtas; at ikalawa, iwasang gamitin ang cell phone dahil binabara ang frequency waves para sa […]

Ilang bagay na kailangang malaman sa Labor Force Survey

Naniniwala ka bang 2.9 milyong katao lang ang walang trabaho samantalang 35.5 milyon ang may trabaho? Saan kaya hinugot ng pamahalaan ang mga datos na ito? Ayon sa Labor Force Survey (LFS) noong Hulyo 2009 (na inilabas ng National Statistics Office (NSO) noong Setyembre 15), 92.4 porsiyento ng mga nasa lakas paggawa (labor force) ay […]

Martial law babies

Bago nagkaroon ng Gen X (henerasyong pwede kahit ano), at Gen Y (mas masahol na henerasyon ng kawalan-pinaniniwalaang katotohanan), matapos ang Gen Text (texting generation na naging kabahagi ng promo ng higanteng telecom), nauna ang “martial law babies.” Ito ang henerasyong akala nang lahat ay sinumpa ng kasaysayan—na nagkaroon ng kamulatan sa panahon ng sapilitang […]

Kung nasa Pilipinas ang Blackwater…

Magdiriwang, tiyak, ang mga lokal na mersenaryo ng Armed Forces of the Philippines at si Pangulong Arroyo, na gaya ng Blackwater ay hindi napipigilan ang mga paglabag sa karapatang pantao ng marumi nang reputasyon.

Pagmamanman bilang pagsasanay

Iba talaga ang pagtrato ng militar sa mga sibilyan. Puwedeng-puwede silang pag-eksperimentuhan bilang bahagi ng pagsasanay ng mga nais magsundalo. Sadyang walang pakundangan ang mga dapat na nagtatanggol sa mamamayan! Nahuli noong umaga ng Setyembre 17 si Cpl. Hannibal Guerrero na kinukunan ng litrato ang bahay ni Dr. Bienvenido Lumbera sa Mapayapa Village, Quezon City. […]

Imeldifikong dehistorisasyon

Una kong natunghayan ang Cultural Center of the Philippines (CCP) nang ginagawa pa lamang ito, at nang ipalabas sa amin ang Pinagbuklod ng Langit (1969) pagkatapos ideklara ang martial law noong 1972. Ito ang pelikulang biograpiko ng mga Marcos para sa reeleksyon ng 1969. Naalaala ko, noong mahilig pang mamasyal ang tatay ko, nag-drive kami […]

Kahalagahan ng Appeal Bond

Nakalagay sa Labor Code na ang desisyon ng Labor Arbiter sa isang labor case ay maaring i-apela sa National Labor Relations Commision (NLRC) sa loob ng sampung (10) araw. Ngunit kapag ang desisyon ay paborable sa manggagawa at may babayaring dapat bayaran ang kompanya, dapat na may kasamang appeal bond ang apela ng kompanya. Kung […]

Eleksiyon at pagbabago

Gusto mo ng pagbabago? Ganoon din ako. May plano ka bang bumoto ngayong Mayo 2010? Kung ang sagot mo’y oo, mainam dahil pareho tayo. Alam nating isa lang ang boto natin kaya hindi dapat masayang ito. Kailangan ang maingat na pagpili sa mga kandidatong tatakbo sa darating na eleksiyon, lalo na sa posisyon ng Pangulo. […]

Depekto sa notice of strike

Kilala halos ng lahat ang Club Filipino. Dito pormal na idineklara ni  Cory Aquino ang kanyang kandidatura laban kay Ferdinand Marcos noong panahon ng diktadura. Ngunit  alam ba ninyo na mga ilang taon na ang nakaraan ay nagwelga ang mga manggagawa ng Club Filipino? Ang kasong  “Club Filipino, Inc. vs. Benjamin Bautista , et. al. […]