Dalawang Puntos Hinggil sa Hecklers
Sa mga bumabatikos sa ginawang protesta ng apat na lider-estudyante na nagprotesta sa ulat ni Noynoy nung Oktubre 7, may dalawang magandang punto na nararapat lamang sagutin.
Sa mga bumabatikos sa ginawang protesta ng apat na lider-estudyante na nagprotesta sa ulat ni Noynoy nung Oktubre 7, may dalawang magandang punto na nararapat lamang sagutin.
Tatlong magkakapatid na ang dumaan sa mga klase ko. Natatandaan ko ang mukha ng aking mga estudyante, pero hindi ko na memoryado ang lahat ng kanilang mga pangalan, hindi tulad nung mga unang taon ng pagtuturo ko. Minsan nga, nang nakatambay kami sa Maginhawa sa Teachers Village, may lumapit sa akin na dati kong estudyante. Tanda ko ang mukha niya, at ang unang letra lamang ng kaniyang pangalan. Pag nakikita ko ang mga dati kong estudyante na nagtatrabaho na, lagi ko silang binibiro na dapat magpatoma o magpakain sila.
(1) Matapos ang mahabang panahong nagbingi-bingihan ang midyang mainstream sa panawagan ng mga maralita ng Sitio San Roque na ilahad ang kanilang isyu, tumutugon ito ngayon sa naganap na tawag-pansing paglaban ng mga residente ng nasabing lugar noong Setyembre 23. At isang bahagi ng tugon ay mga kolumnistang tumatalakay sa mga usaping ligal kaugnay ng paninirahan ng maralitang lungsod.
Talamak sa ating lipunan ngayon ang paggamit ng bawal na gamot. Maraming pamilya na ang nawasak dahil sa bisyong ito. Ito ang dahilan kung bakit sa ilalim ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Law ay maaaring ipa-drug test ng isang kompanya ang kanyang mga empleyado.
Imposibleng kumbinsihin ang matagal ng nagsara ng kanyang isipan. Huwag daw batikusin si Noynoy dahil kakaupo niya lang sa pwesto. Ngayong matatapos na ang isang-daang araw, ang sinasabi naman ay hindi daw sapat ang panahon na ito.
May 14 na aktibistang pinatay sa ika-93 araw ng panunungkulan. Ano ba ang kahulugan ng estadistikang ito?
Mainit-init pa sa alaala ng marami ang umaatikabong Walkout nang biglang lumabas sa Inquirer ang isang artikulo ng di-umano nagtapos sa UP Diliman at nagtatrabaho bilang empleyado ng Armed Forces of the Philippines. Nagbabala ang awtor sa "infiltration" ng New People’s Army sa mga pamantasan, at inilista ang mga walang-tunay-na-pangalan na mga ehemplo ng mga kinabukasang sinira ng "NPA campus recruiters." Sa huli, iprinoklama niya na "patay" na ang batayan ng rebolusyon ng NPA at pawang bandido nalamang ito na nangingikil sa mga mayayaman.
Kamakailan lamang, nagbigay ng presentasyon si Kabataan Rep. Mong Palatino sa Kongreso hinggil sa kung bakit hindi dapat bawasan ang badyet ng SUCs (State Universities and Colleges). Dumagundong ang palakpakan mula sa lahat ng mga nasa nasabing hearing, mga mambabatas, representante ng school administrations, at siyempre, ang mga lider-estudyante. Ika nga ng isang lider, kung ang palakpak lamang ay may katumbas ng dagdag sa badyet, ok na ok na sana.
“Hello, young lovers” ang tawag ni Joi sa mga batang magsing-irog. Seryoso, demonstrative, nagmamahal, magtatagal. Marami nito sa paligid, ang dalawang kabataang pinagtagpo ng pagkakataon. Galing sa magkabilang panig ng mundo, at sa isang iglap, taos-pusong nagmamahal.
Madaling punahin ang retorika ng mga maralita. Ang kalakasan ng paglaban sa lansangan ay kahinaan ng pakikipagtalastasan.