Opinyon

Pakikibaka at social media

Social media. Marami akong dapat ipagpasalamat sa kabila ng napakaraming sumbat ng iba. Kung halos araw-araw kang gumagamit ng Internet, malamang na gumagamit ka ng social media. Ang ilang halimbawa nito ay blogs (gaya ng Blogger at Multiply), micro-blogs (gaya ng Twitter at Plurk), multimedia sharing sites (gaya ng YouTube at Flickr) at social networking […]

Bakit ayaw ng kabataan at bayan sa Charter Change ni Arroyo?

1. Ang Charter Change ay isang taktika ni Gloria Macapagal-Arroyo para makapanatili sa pwesto lagpas pa sa 2010. Anupamang dahilan at palusot, hindi maiaalis ang motibong “term extension” sa Cha-cha. Batid ng kabataan at ng mamamayan, at maging ng mga kasampakat ni Arroyo, na tanging ang cha-cha ang nalalabing ‘ligal’ na paraan para matakasan ni […]

Mga plakard sa panahon ng Con-ass

Noon, nagpanukala ako ng “Mga Plakard sa Panahon ng ZTE.” Pumatok naman, lalo na ang “Zobra na, Tama na, Exit na!” na nakita kong ginagamit sa mga rali. Ngayon, dahil sa pagratsada ng Kongreso sa resolusyon nitong ipatawag ang constituent assembly para sa pagbabago ng Konstitusyong 1987, tiwala akong naghahanda na ang iba’t ibang grupong […]

Papel ng ahensiya ng gobyerno, korte at Kongreso sa pangangamkam ng lupa

Sa ilang pagkakataon, may basbas ang mga indibidual mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Agrarian Reform (DAR), Kongreso at maging sa korte, sa pangangamkam ng lupang binubungkal ng mga magsasaka. Sa mas maraming pagkakataon, sila ang nagpapadali sa pangangamkam. Narito ang ilang mga kaso: 1. Tampok na kaso ang pangangamkam ni Casiano […]

Sex videos at Barangay Defense System: panggagamit sa babae at bata

Matagal nang umiiral ang isang pyudal na sistemang panlipunan kung saan ang kapangyarihan—politikal at personal—ay ginagamit para sa pagkakamit ng mga layuning malayo sa makatao. Ito ang siyang dahilan kung bakit naaabuso ang mga bata’t kababaihan, sa porma man ng mga sex video o pagpapaloob sa kanila sa mga BDS.

Sulat kay Uncle Sam

Pasensya na, Uncle Sam at nangahas akong sumulat sa iyo. Hindi ko mapigil ang sarili, umabot na kasi ng sampung taon ang di pantay na kasunduan ng VFA (Visiting Forces Agreement). Mayroon lang akong nais sabihin sa iyo. Prangkahan tayo. Akala ko ay tatantanan mo na kami nang patalsikin ang base militar ng US ng […]

Kultura ng protesta

Ano ba ang karapatan nating magmartsa o magpiket bilang protesta? Hindi ba’t nakakagambala lang tayo sa normal na kalakaran? Kung paniniwalaan ang isang kauupong party-list representative (na galit sa lahat ng bagay na nasa kaliwa), kailangan nang pagbawalan ang anumang kilos-protesta sa House of Representatives dahil nakakaabala lang ang mga ito sa trapiko, nakakasama sa […]

Sa LBC ba o sa Post Office?

Idadaan ba natin sa LBC o ihuhulog na lang sa post office? Sa pagsusumite ng mga dokumento o pleadings sa ating mga kaso, madalas mangyari na hindi nakakayanan na dalhin ng personal ng abogado sa husgado ang nasabing mga pleadings. Dahil sa dami ng trabaho, minsan sa panghuling araw na ibinigay ng husgado natatapos ang […]

Mga oras ng pagkaligalig

Ito ang bansang ang mga nagsasabi ng katotohanan—“whistleblowers” ang tawag sa ingles—ay nire-restback-an ng mga alipores ni Gloria Arroyo, at ang mga mapayapang nag-aasembleyang magbubukid sa Konggreso ay pinaghihinalaang kabahagi ng destabilization plots at marahas na dini-disperse. Noong Huwebes, sa forum ng Pagbabago!: People’s Movement for Change, “Trumped-up Charges: Suppressing the Truth and Silencing Dissent,” […]

Iskandalo at peryodismo

Opo, tungkol ito sa mga sex video ni Dr. Hayden Kho na kumakalat ngayon sa Internet at sa mga lugar sa Pilipinas na nagbebenta ng mga piniratang DVD. Alam kong sawang-sawa ka na sa isyung ito, salamat sa midyang binigyan ito ng napakahabang oras at napakalaking espasyo. Nitong mga nagdaang araw, tila wala nang iba […]