Opinyon

Boluntaryong pagkilala sa unyon

Ang  boluntaryong  pagkilala ng manedsment sa isang union ay malaking tulong sa mga manggagawa. Hindi na nila kailangang  dumaan  sa masalimuot na proseso ng certification election upang makuha ang pagkilala ng manedsment.Maari na kaagad silang makipag-collective bargaining sa manedsment kapag boluntaryong kinilala nito  ang kanilang unyon. Ngunit may mga pagkakataon din na ang karapatang boluntaryong […]

Telebiswal na libing ng santa

Kaiba ang libing na naganap. Habang ayon sa ulat, tatlong daang libong tao ang sumugod sa lansangang dadaanan ng kabaong na nakahimlay sa ibabaw ng trak, milyon-milyon naman ang nakiisa sa kanilang telebisyon at radyo. Holiday ang araw na ito pero marami ang nagkusa na magpahayag ng interes, kuriosidad at pakikiisa. Pinaghandaan ang lampas na labindalawang oras […]

Magkahalong kasiyahan at kalungkutan

DAEJEON, Timog Korea – Mula Hulyo hanggang ikalawang linggo ng Agosto, magkahalong kasiyahan at kalungkutan ang naramdaman ko – masaya dahil muli kong nakasama si Joy sa mahigit isang buwan kong pagbisita sa Pilipinas, malungkot dahil alam kong muli kaming maghihiwalay sa pagpapatuloy ng aking pansamantalang pagtuturo sa Timog Korea. At dumating na nga ang […]

Ang patuloy na katuturan ng laban ni Cory Aquino

Nakakulong ako sa Kampo Crame nang pumutok ang EDSA 1 noong Pebrero 22, 1986. Nahuli ako noong Enero 29, 1984. Buntis ako nang nahuli, ikinulong at nanganak sa loob ng Crame. Isa ako sa mga lumayang bilanggong pulitikal noong 1986 bilang bahagi ng tagumpay ng People Power at pagkaupo bilang pangulo ni Corazon “Cory” Aquino. […]

Security Guard: nasa floating status nga ba?

Kung ang motto ng mga pulis ay “To serve and protect” at ang motto naman ng mga marines ay “Always outnumbered, never outfought”, ano naman ang motto ng security guard? Simple lang ang sagot. “No ID, no entry.” Naalaala ko ang birong ito dahil ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa mga security guard. May […]

Pagkain bilang diskursong estado

Alanganin naman raw pakainin ang presidente ng republika sa isang hotdog stand sa New York City?  Ito ang isa sa mga sagot ng spin doctors ni Gloria Arroyo hinggil sa kaso ng $20,000 hapunan ng kanyang grupo sa mamahaling Le Cirque.  Rasyonal ang paliwanag.  Kahit pa nga bagong yabang naman ni Joseph Estrada ay sa […]

Nawawala nga ba ang umaalis na mga kasama?

Kamakailan ay tatlong mga guro at kasama ang nagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Matagal silang mawawala, mula walong buwan hanggang ilang taon. Pawang pag-aaral at pananaliksik ang kanilang pagtutuunan ng pansin sa ibang bansa. May nagtanong kung di ba ako nalulungkot sa pag-alis ng mga kaibigan. At mabilis akong sumagot na hindi. Ito […]

Gusto mong kumain sa Le Cirque at Bobby Van’s?

Siguro’y pareho tayo ng naiisip tuwing natutunghayan natin sa midya ang mga pahayag ng ilang opisyal ng gobyerno tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng administrasyong Arroyo na sadyang nakakasira sa ating mapayapang hapunan (o kahit almusal at tanghalian, kung may pambili ka pa). Sa bahagi ng mga nasa kapangyarihan, bakit kaya ipinagpipilitan nilang walang iregularidad sa […]

Laos na pagbabago

Sa katatapos lang na napaikling pag-uusap nina US President Barrack Obama at Pangulong Arroyo, mukhang wala bago at walang magaganap na pagbabago sa Pilipinas. Sa katunayan, pinagtibay lang ng dalawang lider ang hindi pantay na relasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Dagdag pang mga iskandalo ng administrasyong Arroyo

Kalilibing lang ni dating Pang. Corazon Aquino at bumulaga na naman sa taumbayan ang pinakahuling eskandalong kinasasangkutan ni Pang. Gloria Arroyo. Bago umano umuwi sa bansa si Pang. Gloria, First Gentleman Mike Arroyo at kanilang mga kasamahan mula sa Amerika para dumalaw sa burol ni Aquino, ay kumain at uminom ang mga ito sa isang […]