Opinyon

Ereksyon Pacasta

Iyan, kung hindi siya nagkakamali, ang pangalan ni Ericson L. Acosta sa isang isyung lampoon ng Philippine Collegian, publikasyon ng mga mag-aaral ng unibersidad. Ang pagkamalikhain ng staff, lumalabas hindi lang sa mga nakakatawang artikulong may banat sa pulitika ng kampus at bansa, kundi maging sa by-line at staff box. Ang mga pangalan ng manunulat, kadalasang hinahanapan ng bastos na katunog o kamukha.

Pagkansela ng rehistro ng unyon

Alin ba ang mas mahalaga: ang karapatan ng mga manggagawang magkaroon ng isang unyon o ang karapatan ng kapitalistang patanggalan ang unyon ng registro dahil sa hindi pagbigay nito ng kaukulang dokumento sa may kapangyarihan?

Bad Boy Badiou

Sa kanyang pananalita tungkol sa kakatapos na pag-aalsang masa sa Tunisia, pinaksa ni Alain Badiou, pilosopong Pranses na dating Maoista at nagpapakilalang komunista, ang tampok na porma ng nasabing pag-aalsa: ang rayot (riot). Sa pamamagitan ng punto-palasong ito, tinutuhog na rin niya ang naganap na pag-aalsang masa sa Egypt (masyado na yatang luma at Biblikal ang salitang “Ehipsyo”) at mga aksyong masa sa iba’t ibang bansa sa nakaraang mga taon.

Presyo ng langis bilang epekto ng deregulasyon (2)

Deregulasyon daw ang solusyon sa patuloy na konsumisyon. Malaking abala man sa mga motorista’t mananakay (commuter) ang pabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo, sa bandang huli naman daw ay sila rin ang makikinabang sa kalakarang ito.

Presyo ng langis bilang epekto ng deregulasyon (1)

Motorsiklo man o kotse ang gamit mo, malaking sakit ng ulo ang pabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo. At kahit na wala kang sariling sasakyan, alam mong apektado ka pa rin dahil hindi maiiwasang gumamit ng pampublikong transportasyon para makarating sa iyong destinasyon.

Kaarawan ng Isang Abogado ng Bayan

Kakaibang abogado – hindi, kakaibang nilalang – itong si Atty. Meng. Hindi katulad ng mga istiryutipikal na abogadong laging magara ang bihis at magarbo ang pananalita, simple lang gumayak at mangusap itong abogado ng mga manggagawa.

Globalisasyon at pagtaas ng pamasahe

Light Rail Transit/Metro Rail Transit (LRT/MRT) at taksi ngayon; dyip, traysikel at bus naman bukas. Aba, baka pati mga nagpapatakbo ng kuliglig,de-padyak at karitela, makisali na sa napipintong pagtaas ng pamasahe.

Pagbatikos sa Korte Suprema

Sa panig ng mga manggagawa, hindi na sila bago sa mga desisyon ng Korte Suprema na lumalabag sa interes ng kanilang uri. Marami nang pagkakataon kung saan naging laban sa mga manggagawa at pabor sa mamumuhunan ang naging desisyon ng Korte Suprema.