April 17: WELCOME VISITORS v.1
In many ways, dalaw, hangin and great expectation are all quite synonymous as far as the inmates here are concerned.
In many ways, dalaw, hangin and great expectation are all quite synonymous as far as the inmates here are concerned.
Sa mga manggagawa at mamamayang naghihirap, hindi na debate pa kung kailangang itaas ba o hindi ang sahod ng mga manggagawa, at kung bakit dapat kontrolin ang presyo ng batayang mga produkto kabilang ang langis.
Ang naunang posts ay ang pinakabago kong mga tula. Pito sana ang tula sa seryeng ito na nasimulan ko noon pang Agosto, kaya may pamagat na “Pitong Sundang”. Tungkol ito sa mga magsasakang setler sa bulubundukin, kaya naisip kong gamitin ang kanilang pantrabaho — ang sundang — upang mag-ugnay sa mga metapora ng serye. Ang […]
Matapos maghawa’t mangahoy maghapon tayo ay nangagtitipon upang hasain ang ating mga sundang. Sa labí ng gabi sa malumot na burol sa tabi ng bukal ng talangka at kuhol tayo ay nangagtitipon upang hasain ang ating mga sundang. Noon pa man ay atin nang batid ang hibang na sumpang hatid ng pingas at purol, ng […]
At may ilan sa ating nangahas na iukit ang panata sa dibdib ng yungib. Pumipintig ang bawat salita Sa pag-andap ng siga: Panday Bakal Apoy Hataw TALIM. Talim Puluhan Sarungan Pisi SUNDANG. Sundang Api Hakbang Gabi TAMBANG.
Sablay man sa baybay inuukit natin ang pangalan ng mga inaalala at sadyang minamahal sa tadyang ng malabay sa tungkod na yantok sa budyong at tongatong sa bagol at palayok. Sablay sa baybay, totoo, subalit salatin at silang-sila rin ang sawing salaysayin sa siwang ng mga titik na ito— sumasaludsod sa kalyo at kuko gaya […]
Sinisikap nating maya’t maya ay sipatin kung gaano pa katuwid, pantay at pasulong ang talim at gulugod ng ating mga sundang. Itinutok ko ito sa langit isang araw at tulad ng manunudla ng kalaw o pipit akin ngang ipinikit ang kaliwa kong mata. At sa aking asinta ay mayroong tumawid: mandi’y tutubi— dambuhala at de-makina. […]
Alaala natin, binibiyak natin ang niyog at nabubulabog ang mga tamsi. Alaala natin, tinataga natin ang kamansi at langka at iba pang alay na may dagta. Alaala natin, hinihiwa natin sa pisngi ang mangga o ang sambilao kaya ng sinukmani. Alaala natin, ginigilit natin sa leeg ang tinali at anong aliw ang hatid sa atin […]
Dati’y leeg, naging noo, ngayo’y puyo na ng bundok ang ating kinakaingin— ang ating huling kaingin. Naririnig na ba ninyo, kaluskos ng mga hayok na nais kitang tugisin, sa tangis mandi’y lusawin? Sibakin, baklasin natin, mga tulay sa ‘sang iglap. Tiyaking ang gagatungin, walang asô kung dumiklap. Mga aso ay turuang tahimik na umalulong. Sa […]
Good News: Magbibigay daw si Noynoy ng dagdag-sahod sa Mayo. Bad News: Bahagi ito ng pinaka-bagong commercial ng Cornetto.