Symbolic Distance
Naalala ko nung 2005 at 2006, panahon ng buung-buong ipinatutupad ang CPR (Calibrated Preemptive Response) ni Gloria. Bawat rally basta’t malapit sa Mendiola ay uupakan ng pulis. Sa bawat rally siguradong may mahuhuli ng pulis, maraming masasaktan, maraming mawawalan ng tsinelas at iba pang gamit dahil sa tulakan at takbuhan. Kapag marami ang ralyista at kayang pigilan ang pulis, siguradong paliluguan ka ng madumi at malakas na tubig mula sa fire truck.