Balik-Tanaw

LFS laban sa imperyalismo

Itinatag ang League of Filipino Students noong Set. 11, 1977 bilang alyansa laban sa pagtaas ng matrikula at panunupil sa panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos Sr.

Sino si Plaridel?

Tinaguriang "Ama ng Peryodismong Pilipino," isinilang si Marcelo H. del Pilar noong Ago. 30, 1850. Ginugunita rin ang araw ng kanyang kaarawan bilang National Press Freedom Day.

Sino si Nelson Mandela?

Ipinanganak noong Hul. 18, 1918, pinangunahan niya ang pagpawi sa sistemang apartheid o diskriminasyon batay sa pinagmulang lahi sa South Africa.

Desisyon sa West Philippine Sea

Ang tagumpay ng Pilipinas sa desiyon ng Permanent Court of Arbitration noong Hul. 12, 2016 ang dapat na panghawakan nang mahigpit sa hidwaan sa West Philippine Sea.