Balita

Lider-magsasaka sa Hacienda Looc ilegal na inaresto

Kinondena ng iba’t ibang grupo ang diumano’y ilegal na pag-aresto sa isang lider-magsasaka ng Hacienda Looc, kasama ang tatlong miyembro ng pamilya niya. Inaresto ng aabot sa 100 na elemento ng magkasanib na puwersa ng Regional Mobile Group Philippine National Police (RMG-PNP) at 733rd Squadron Philippine Air Force (PAF) sina Armando Lemita, tagapagsalita ng Ugnayan […]

Courage, nagpiket sa BIR laban sa mataas na buwis

Nagpiket ang mga kawani ng pamahalaan sa opisina ng Bureau of Internal Revenues (BIR) para sa nalalapit na palugit ng pagbabayad ng buwis. Pinangunahan ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang nagsabing pagkilos dahil labis na umano ang binabayarang buwis ng mga kawani sa pamahalaan. “Awtomatikong kinakaltas ang mga buwis […]

Alyado ni Pangulong Aquino inakusahang nang-aagaw ng lupa sa Bulacan

Inakusahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ng pangangamkam ng lupa ng mga magsasaka sa Kaybanban, San Jose Del Monte, Bulacan si Jose Acuzar, bayaw ni Executive Sec. Paquito Ochoa. Si Acuzar ang tagapangulo ng New San Jose Builders at nagmamay-ari rin ng Goldenville Realty Development Corporation. Aabot sa mahigit 80 ektarya ng produktibong lupaing […]

‘ERC, walang ginawa sa dagdag-singil sa kuryente ng Meralco’

Dismayado ang grupong pangkababaihan sa kinalabasan ng diyalogo nila sa mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) kaugnay ng pagtaas na naman ng singil sa kuryente para sa buwan ng Abril. Sinabayan din ng Gabriela ng protesta sa harapan ng tanggapan ng ERC ang nasabing dialogo sa Ortigas sa Pasig City. Nakatakdang magtaas ang Manila […]

‘Mga kabataan, tumungo sa Eastern Visayas para alamin ang kalagayan ng sambayanan’

“Nananawagan kami sa mga makabayan at demokratikong organisasyon, laluna sa kabataang estudyante, na maramihang tumungo sa Samar at Leyte upang alamin ang kongkretong kalagayan ng masa doon, makipamuhay sa kanila, at makipagtulungan sa pag-oorganisa at pagsusulong ng mga pagkilos at pakikibaka ng mga maralitang biktima ng bagyong Yolanda.” Ito ang panawagan nina Wilma Austria-Tiamzon at […]

Larawan | Mag-asawang Tiamzon, sinampahan ng bagong ‘gawa-gawang’ kaso

Sinampahan ng panibagong kasong kriminal sina Wilma Austria at Benito Tiamzon, mga lider ng rebolusyonaryong kilusan, sa Quezon City Regional Trial Court Branch 81. Kinasuhan ang dalawa ng kidnapping and serious illegal detention dahil daw sa pagdukot sa isang ahente ng Narcotics Command  at tatlong iba pang elemento ng militar sa Mauban, Quezon noong 1998. […]

Mga biktima ng Yolanda, nagrali sa mga tanggapan ng ‘Gang of 5’

Bago ang malaking protesta ng mga biktima sa ikalimang buwan matapos ang bagyong Yolanda sa Abril 8, isang linggo silang araw-araw na nagprotesta — sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na sa suri nila’y “nagpabaya” sa milyun-milyong mamamayang nasalanta ng bagyo at nagdurusa pa rin ngayon. Partikular na ipinrotesta ng grupong People Surge ang mga […]