Balita

Masahol ang panggigipit ng Israel sa pagkain sa Gaza–UN

Kasabay ng karahasan ang pagpigil ng militar ng Israel sa pagpasok ng international aid o ayudang kagamitan at pagkain para sa mga sibilyan. Lahat ng 2.1 milyong Palestino sa Gaza ang nasa bingit ng katakot-takot na kagutuman ayon sa United Nations.

Piston: Pahirap lang ang NCAP

Bagaman inanunsiyo ng Metro Manila Development Authority na magiging mas mababa ang multa dahil sa pagpapatupad ng single ticketing system, dagdag pahirap pa rin umano ito lalo sa mga tsuper na naghahabol ng kita ayon kay Piston national president Mody Floranda.

Migranteng Pinoy, dusa ang danas sa ibang bansa

Binatikos ng Migrante New Jersey, Tanggol Migrante at iba pang progresibong grupo ng mga migrante sa US ang matagal na pagtugon ng gobyerno sa isyu ng mga migranteng nakakaranas ng pang-aabuso at hindi makatarungang pagkakakulong.

KMP at Amihan: P20 na bigas sa Visayas, panakip-butas

Ayon sa mga grupo ng magsasaka, bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyong Marcos Jr. na ipakita na kaya pang tuparin ang matagal nang pangako na murang bigas. Hindi anila ito magiging sapat o pangmatagalang solusyon sa malalim na krisis sa bigas.

Karahasan sa halalan, nagpapatuloy

Sunod-sunod ang mga insidente ng patayan, harassment at iba pang porma ng election-related violence ngayong nalalapit ang 2025 midterm elections. Isinailim na rin sa kontrol ng Comelec ang mga lugar na nasa "red category."

Amanda Echanis, kandidato sa UP Diliman student council

Sa kabila pagkakapiit, pursigido ang manunulat at organisador ng kababaihang magbubukid na si Amanda Echanis na maglingkod sa mga kapwa mag-aaral sa University of the Philippines Diliman sa pagtataguyod sa mga karapatang pantao at sa sining at kultura.