P200 taas-sahod, aprub sa Kamara
Pasado na sa Kamara ang panukalang batas para sa P200 dagdag sa arawang sahod ng lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor sa buong bansa.
Pasado na sa Kamara ang panukalang batas para sa P200 dagdag sa arawang sahod ng lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor sa buong bansa.
Pangamba ng Makabayan Coalition, kung hindi agad matuloy ang impeachment trial, maaaring makapagmaniobra ang kampo ni Duterte para maabsuwelto ang bise presidente.
Higit isang buwan na nang nakawelga ang United Rank and File Association of FOC Transportation Corp. sa Infanta, Quezon dahil sa hindi pagbibigay ng separation pay sa kabila ng mga diyalogo kasama ang National Conciliation and Mediation Board.
Ayon sa Kawasaki United Labor Union, malaking kasinungalingan ang dahilan ng management na “financial loss” para tanggihan ang hinihinging dagdag-sahod at tamang benepisyo. Bukas pa rin ang unyon na makipag-usap kahit pa pinili na nilang magwelga.
Kasabay ng karahasan ang pagpigil ng militar ng Israel sa pagpasok ng international aid o ayudang kagamitan at pagkain para sa mga sibilyan. Lahat ng 2.1 milyong Palestino sa Gaza ang nasa bingit ng katakot-takot na kagutuman ayon sa United Nations.
Bagaman inanunsiyo ng Metro Manila Development Authority na magiging mas mababa ang multa dahil sa pagpapatupad ng single ticketing system, dagdag pahirap pa rin umano ito lalo sa mga tsuper na naghahabol ng kita ayon kay Piston national president Mody Floranda.
Sampu sa 11 inerereklamong katutubong Molbog sa Sitio Marihangin, Barangay Bugsuk, Balabac, Palawan ang inaresto nitong Mayo 15. Pansamantalang nakalaya ang 10 matapos makalikom ng pangpiyansa.
Kinuwestiyon ng Gabriela Women's Party ang resulta ng botohan at mga anomalya sa halalan sa partylist. Dapat anilang aksiyonan ng Commission on Elections ang mga kaso ng red-tagging at iba pang atake sa grupo ng kababaihan.
Ilang araw bago ang halalan, patuloy na naglipana sa iba't ibang lugar ang malawakang red-tagging laban sa Makabayan Coalition at mga kandidatong senador at partylist nito.
Walang inilabas na anumang resolusyon ang Commission on Elections En Banc na nagdidiskuwalipika sa Bayan Muna Partylist at opisyal pa rin itong kandidato ngayong halalan.