Kultura

Ang Tatak ng Paghihiganti sa “Dirty Linen”

Matalas ang pagpapakita ng serye sa klase ng galit na nagtutulak sa isa upang maghiganti—upang maipamalas ang kahit katiting man lang na paghihirap sa mga nagpahirap at patuloy na nagpapahirap sa kanila.

Obra mula sa patapong hulmahan

Kahit kulang sa pondo, lakas-loob na binili ng grupo nina Bernardo ang may 500 piraso ng mga hulmahan ng sapatos sa mga papasarang pagawaan. Nakipag-ugnayan naman ang iba’t ibang artist group at indibidwal na handang magbigay ng oras sa proyekto.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang kuwento

Hindi na kailangan pang purihin si Ronaldo Vivo, Jr. para sa “Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa.” Kung nais magagap ang saklaw ng kanyang husay magkuwento—mula sa umaatikabong pacing at makatotohanang dialogue, hanggang sa malapot na paglalarawan ng lugar at sa maagap na paglalatag ng karakterisasiyon—higit na epektibong basahin ang mismong akda kaysa ang pasakalye ng iba tungkol dito.

Ang laro ng kapangyarihan sa “Triangle of Sadness” ni Ruben Ostlund

Hindi nagpapasintabi ang “Triangle of Sadness” (2022) ni Ruben Ostlund sa matalas na pagsusuri nito sa ultra-rich na tinatawag. Bilang satirikong pelikula, hayag nitong ginagawang katatawanan ang kahihiyan ng mayayaman. Hinihila nito ang manonood na maging kaisa sa pagtunghay sa mga indibidwal na ito na may nakahanda nang pag-uuyam sa mga ito.

Pelikulang nagmumulat, libre!

Sa harap ng tuluy-tuloy na pambabaluktot sa kasaysayan ng Pilipinas, kapuri-puri ang pagpapalabas ng mga libreng pelikula tungkol sa Martial Law para gunitain ang ika-50 taon ng deklarasyon nito.

ISCP: Kuwelang eskuwela ‘to!

“Loud and proud” Aspin ka ba? Bakit nga ba patok sa mga kabataan ang kuwelang eskuwelang International State College of the Philippines (ISCP)?

Figura ng Destiyero sa Panulaan ni Joi Barrios

Dahil wala lubos dito at wala rin lubos doon, ang figura ng distiyero ay may mas malawak na pananaw sa global at internasyonal na ugnayan sa bansa at bayan, may relatibong angat sa usaping finansyal,  nakakapagmintina ng online familial at familiar na relasyon bago pa man nagpandemikong nagpapilit sa lahat ng work from home at online learning, may guilt trip at pangungulila sa mga mahal at bayang iniwan, mas sabik imanifesta ang pagmamahal na ito, mayroong malaking potensyal sa politikal na ahensya ang milyonmilyong kababayang ito.