Lathalain

Magsasaka sa Hacienda Dolores pinaslang

Isa na namang magsasaka ng Hacienda Doleres ang pinaslang. Tinambangan ng di-nakikilang salarin ang mag-asawang Nemelao Barcia, 54, at Maria Barcia, 54, noong Mayo 2 sa Purok 3, Brgy. Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga. Galing umano ang mag-asawa sa Angeles City nang maganap ang insidente. Idineklarang dead on arrival sa ospital si Barcia na isang kagawad […]

Video | Mga dapat mong malaman tungkol sa EDCA

Ano ang anim na puntong dapat malaman ng mga Pilipino tungkol sa pinirmahang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Estados Unidos? Pinirmahan ng mga opisyal ng gobyernong Aquino at US Pres. Barack Obama ang EDCA ilang oras bago dumating sa bansa si Obama para sa isang state visit noong […]

#May1Fight | Laksa-laksang obrero, inirehistro ang pagtutol sa EDCA, mababang sahod

Muling pumula ang kalsada ng Kamaynilaan nitong Mayo 1, Pangdaigdigang Araw ng Paggawa. Bitbit ang pulang mga watawat, suot ang pulang mga damit, at sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU), nagmartsa ang humigit-kumulang 18,000 manggagawa, maralita, kabataan, kababaihan, migrante, progresibong mga personalidad at aktibista, at iba pa, mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola. Nagtipon din […]

BUKLATIN | PW Espesyal na Isyu: Mayo 1, 2014 Araw ng Paggawa

Naglabas ang Pinoy Weekly ng espesyal na isyu para sa Mayo 1, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Kasama rin dito ang espesyal na supplement na naglalaman ng panayam sa dalawang bilanggong pulitikal na sina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon. Nasa supplement din ang mensahe nila para sa Mayo 1. LAMAN NG ISYU: Sabwatan ng kapitalista at gobyerno: Ang […]

Kawani ng gobyerno, nagprotesta vs tanggal-benepisyo

Kolektibong pagpinta ang mga kawani ng pamahalaan para ipakita ang kanilang pagkadismaya sa administrasyong Aquino sa pagkaltas sa kanilang mga benepisyo at wala pa ring umento sa kanilang sahod. Pinangunahan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang nasabing pagkilos sa harapan ng National Housing Authority sa Quezon City. Kaugnay din […]