Multimedia
Ikatlong taon ng pagkamatay ni Ka Bel, ginunita ng protesta para sa dagdag-sahod
Sa porma ng protesta para sa makabuluhang dagdag-sahod pinakamakabuluhang ginunita ng mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno ang alaala ng dakilang lider-obrero na si Crispin "Ka Bel" Beltran.
Video: Palparan sinampahan ng kasong kriminal ng mga ina nina Karen, Sherlyn
Patuloy ang paghahanap kina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan ng mga ina at tagasuporta nila. Tuloy din ang paghangad nila ng hustisya. Matapang na sinampahan nila ang itinuturong salarin sa pagdukot, tortyur at panggagahasa kina Sherlyn at Karen: si Ret. Gen. Jovito Palparan Jr.
Video: Kalampag para sa dagdag-sahod at kontrol sa presyo, hanggang Mayo 1
Ikinuwento ng mga maralitang kababaihan ang hirap na pagkasyahin ang minimum na sahod ng kanilang asawa sa pang-araw-araw na mga bilihin. Inihayag naman ng mga kawani sa gobyerno na maging silang may regular na trabaho, nababaon sa utang dahil sa liit ng suweldo.
Video: Guwardiya ng NHA, pinaputukan ang mga residente ng North Triangle
Sa bidyo ng Pinoy Weekly, makikita kung paaano pinaputukan ng guwardiya ng National Housing Authority ang mga residente ng Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City na patuloy na lumalaban sa demolisyon.
Aksiyon ng gobyerno sa ‘pinakamalalang panahon para sa mga OFW,’ hinahanap
Labing-anim na taon matapos mabitay si Flor Contemplacion sa Singapore, patuloy pa rin ang pagpapabaya at umano’y kataksilan ng gobyerno sa mga Overseas Filipino Worker (OFW), ayon sa Migrante International. “Ang mga nakaraang buwan ay naging mahirap para sa mga OFW at kanilang mga pamilya – nariyan ang mga OFW na nasa death row sa […]
Video: Ang napapamalengke sa minimum na sahod ngayong araw ng kababaihan
Sa pamamalengke ng lider-maralita na si Nanay Mameng, matutuklasan kung ano na lamang ang kayang bilhin na pagkain para sa kanyang pamilya ng isang manggagawa na may minimum na sahod. Ito ang gustong bigyang pokus ng militanteng alyansang kababaihan ng Gabriela ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Marso 8.
Audio Slideshow: Pagbabalat ng bawang, pag-ampat sa kagutuman
Panayam sa isang maralitang tagalungsod sa Vitas, Tondo na lumalahok sa maramihang pagbabalat ng bawang para lamang makatulong sa pambili ng pagkain laluna sa panahong lalong tumataas ang mga bilihin at presyo sa mga pampublikong sakayan.
Mensahe sa ika-83 na kaarawan ni Nanay Mameng
Magkasabay ng kaarawan sina Pangulong Aquino at Nanay Mameng. Pero ang huli, tunay na minamahal ng mahihirap.
Video: Sit-down protest sa loob ng LRT kontra taas-pasahe
Nitong Enero 21, halos 100 kabataang estudyante ang nagsagawa ng sit-down protest sa Legarda Station ng Light Rail Transit para tutulan ang nakaambang taas-pasahe sa LRT at MRT na itinutulak ng gobyernong Aquino. Nagmula sa Unibersidad ng Pilipinas, Polytechnic University of the Philippines, University of Sto. Tomas, University of the East, at De La Salle […]