Samu’t Sari

Bukas na isipan sa kalusugan

Kailangan nating lawakan ang ating isipan. Maliban sa pag-alam at pag-intindi, kailangan din nating tanggapin ang ating mga pinagdaanan o karanasan at mag-isip at magplano kung paano magamot ang sarili.

Super food? Super tahong!

Mayaman din ito sa iron kontra anemia, zinc para sa immune system, iodine para sa thyroid hormones at metabolismo at selenium para sa malusog na kutis. Siksik din ito sa vitamins A at B12.  Sagana din ito sa omega-3 fatty acids na mainam para sa puso, blood pressure at brain development.

Kainan at tambayang may saysay

Nakakatuwa ang pagdami ng mga establisimyentong sumusuporta sa makabuluhang adhikain. Ika nga, marami na ngayon ang mga konsyumer at maliliit na negosyanteng  “woke.”  Dito, binibigyan ang merkado ng kamalayan at kapangyarihan para sa panlipunang pagbabago. 

Paano makakatipid ng tubig

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pamasahe at iba pang gastusin habang hindi naman tumataas ang sahod ng ordinaryong manggagawa, paano nga ba tayo makakatipid pagdating sa ating konsumo at bayarin sa tubig lalo ngayong tag-init?

Body shaming

Talamak ang pagkutya sa pisikal na kaanyuan lalo na sa internet. Higit na malupit ito sa kababaihan. Layon nitong gawing katatawanan ang mga sobra o kulang sa timbang, kulang sa taas, maiitim at itsurang hindi naaayon sa pamantayan ng lipunan.

Ang ipinagbawal sa Dinagyang

Muling ipinagdiwang nitong Enero ang “face-to-face” na Dinagyang Festival sa Iloilo. Tatlong taon ding nahinto ang isa pinakamalaking pagtitipon sa Pilipinas.  Nagbalik ang makukulay na parada at pagtatanghal ng mga deboto ni Sto. Nino. Tampok. Nagkaroon muli ng “Kasadyahan sa Kabanwahanan” na paligsahan ng walong tribu sa Iloilo Freedom Grandstand.  Pero sa pagbabalik ng Dinagyang, […]