Aral ni Joma Sison, bitbit sa posibleng peace talks
Sa gitna ng posibleng panunumbalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebolusyonaryo, binalikan sa isang pagtitipon ang mga aral at artikulo ni Sison hinggil sa peace talks.
Sa gitna ng posibleng panunumbalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebolusyonaryo, binalikan sa isang pagtitipon ang mga aral at artikulo ni Sison hinggil sa peace talks.
Ayon sa ulat ng Global Witness, sa 16 environmental defenders na pinatay sa Asya noong 2022, 11 dito ang Pilipino. Sa kabuuan, may 281 na tagapagtanggol ng kalikasan sa Pilipinas ang pinatay mula noong 2012.
Panawagan ni Amirah Lidasan, tagapagsalita ng Sandugo, “Dapat kilalanin ang mga pamilya bilang refugee. Kaakibat nito ang kanilang mga karapatan na manirahan at maging bahagi ng lipunan at ang kanilang kaligtasan at seguridad.”
Sa kabila ng pangamba ng mga Pilipino, tuloy ang pagkagalante ng gobyerno ng Pilipinas sa pondo at panahon para sa usapang militar.
Sampung taon matapos humagupit ang bagyong Yolanda sa Silangang Kabisayaan, kita pa rin ang pinsala na iniwan ng sakuna. Mas lalo pang pinatindi ng mga proyektong hindi nakatuon sa kapakanan ng mga komunidad, kabuhayan at kalikasan.
Walang sariling lupa ang mga magbubukid at napapabayaan ang sektor ng agrikultura sa bansa. Pero imbis na libreng pamamahagi ng lupa at suporta sa pagsasaka, importasyon ang tugon ng gobyerno sa kakulangan ng pagkain.
Tumangging tumulong ang mga miyembro ng PNP at kahit daw ang blotter. Hindi raw muna papayagan sapagkat kailangan pa raw kausapin ng mga sundalo, intelligence at ng kanilang hepe ang nanay ng nawawala.
“Halos wala naman pinagkaiba sa presyo, mabuti pa mamili na lang ako sa palengke sa may amin,” hirit ni Estrelieta Bagasbas, vendor ng suman at lider ng Kadamay-San Roque.
Kung hindi mapipigilan, maaaring sa susunod na semestre makikita ang pagbabalik ng mga nakabihis sundalong mag-aaral. Sinisikap ng mga alyadong opisyal ng gobyerno na maibalik ang Reserve Officers' Training Corps o ROTC bago matapos ang 2023.
Kasabay ni Amanda Echanis umakyat ng hagdan ng Tuguegarao Hall of Justice ang limang armadong miyembro ng kanyang escort team mula sa provincial jail. Mahahabang riple ang bitbit. Nakaposas man, nagawa pang kumaway ni Amanda sa amin at kanyang ina bago minamadali siyang pinapasok sa pagdinig ng kaso.