Inaasahan naming makikinig ang mga gobyerno sa boses ng mga mamamayan dahil malaki ang nakasalalay dito. Nakikita na magsisimula ang pagpupulong sa ‘agenda fight’ para sa pinakamahalang isyu sa negotiations: ang paglikha ng loss and damage finance facility.
Ang paglikha ng CPP sa NPA bilang sandata ng masa laban sa dayuhan at pyudal na dominasyon ay patunay ng kanilang pagsulong sa karahasan upang maabot ang kanilang mithiin. Ngunit sa kabila nito, nilinaw ng Korte na hindi katumbas ng paraan upang makamit ang layunin ang layunin mismo.
Sa kabila ng mga oportunidad na tinalakay natin sa kolum na ito noong nakaraan, nakalambitin pa rin ang tanong—ano ang plano ng bagong pangulo na si Marcos Jr. para sa mga Pilipino? Ayon sa Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang mga sumusunod ang priority ng pangulo: agricultural at food security, climate change adaptation, economic recovery, improved health care at education, enhanced infrastructure projects, utilization of renewable energy sources, strengthened tourism at jobs creation, at sustainable development. Ngunit nananatili itong malabo. Ano ang mga tiyak na proyekto na ipapatupad upang makamit natin ang mga ito? Mas mahalaga pa, paano pinaplanong tugunan ni Marcos Jr. ang mga tao mismo, lalo na ang mga mahihirap at mardyinalisado?
Sa ika-25 ng Hulyo, magaganap ang unang State of the Nation Address (SONA) ng bagong presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Dahil dito, nais kong talakayin natin ang maaaring (at sanang) lamanin ng kanyang SONA. Higit na mahalaga ang SONA na ito dahil hindi natin narinig ang palataporma ng pangulo noong kandidato pa lamang siya.
Ngayong opisyal nang nagsimula ang bagong pamumuno ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., nais kong talakayin kasama kayo ang isang mahalagang bahagi ng kanyang pagkaPangulo—ang Kongreso.
Ilang araw bago magpalit ng administrasyon, nasaksihan natin ang pagpapaharang ng outgoing National Security Adviser na si Hermogenes Esperon Jr. sa 28 na websites. Kabilang dito ang website ng Pinoy Weekly, iba pang alternatibong news outlets, at mga progresibong grupo. Ayon sa naging utos ni Esperon, kailangang harangin ang access sa mga nabanggit dahil sa pagsuporta at kaugnayan sa mga terorista.
Paano naman magdedesisyon ang Korte Suprema? Magdedesisyon ba ito sa kaso ayon sa merito na maaaring magresulta sa diskwalipikasyon ni BBM o gagamitin ba nito ang prinsipyo ng judicial restraint upang respetuhin ang mandato na ibinigay ng taumbayan kay Marcos Jr. sa pamamagitan ng eleksyon?
Sa lumiliit na pag-asang mababaliktad pa ang resulta ng halalan, may nabuo mula sa kampanya at kandidatura nina Leni-Kiko na magpapatuloy sa administrasyon ni Marcos Jr.
Piliin na natin ang kandidatong walang bahid ang track record at walang disqualification case laban sa kanya. Hindi masasayang ang boto mo. Hindi masasayang ang pagtaya mo.