Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Si Atty. Remigio D. Saladero, Jr. ay ipinanganak sa Nuralah, South Cotabato noong Enero 27, 1959. Panganay sa apat na anak nina Remigio Saladero Sr. at Thelma Damandaman na kapwa guro. Si Atty. Saladero ay agad nagpakita mg gilas sa kanyang pag-aaral mula sa elementarya sa Sto. Nino Elementary School, sa Koronadal National High School. Ang kanyang unang kurso sa kolehiyo ay sa Mindanao State University kung saan niya natapos ang AB Political Science. Sa lahat nang ito, nanguna si Atty. Saladero sa larangan ng akademya. Nuong 1979, matapos maging Cum Laude ay ipinasya niyang lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang napiling karera. Nag-aral siya ng batas sa San Beda College at ipinasa ang Bar Examinations nuong 1984, sa rating na 88.95 porsiyento, bilang pang-17 pinakamataas na grado.

Con-Ass: Bakit inaayawan ng taumbayan?

Sa susunod na linggo ay isa na namang pagkilos  ang gagawin laban sa panukalang baguhin ang ating Saligang Batas sa pamamagitan ng  Constituent Assembly (Con-Ass). Noong unang ginawa ang protesta tungkol rito sa Lunsod ng Makati, mga 15,000 hanggang 20, 000 katao kaagad ang dumalo   Sa mga susunod na protesta, inasahang marami pa ang dadalo. Bakit ganun na […]

Kapabayaan sa trabaho

Dahil sa pagkawala ng kanyang motorsiklo, isang empleyado ng LBC Express ang natanggal sa trabaho. “Hindi ito makatarungan,” sigaw ng niya. “Hindi dapat ako tanggalin dahil hindi ko naman kasalanan ang pagkawala,” aniya. Ngunit kasalanan niya ito, ayon sa kompanya. Hindi umano sila nagkulang sa pagpapaala-ala sa kanya na laging i-lock ang kanyang motorsiklo ngunit hindi niya ito […]

Parusang tugma sa kasalanan

Ang isang manggagawang lumabag sa patakaran ng kompanya ay maaring  parusahan. Kaya lang, ang parusang ipapataw sa kanya  ay dapat  tumutugma sa nagawa niyang kasalanan. Ang  parusang  hindi tumutugma sa nagawa niyang kasalanan ay hindi pinapayagan ng batas. Ito ang hatol  ng Korte Suprema sa kasong ” San Miguel Corporation vs. National  Labor Relations Commission, et. al.” (G.R. […]

Sa LBC ba o sa Post Office?

Idadaan ba natin sa LBC o ihuhulog na lang sa post office? Sa pagsusumite ng mga dokumento o pleadings sa ating mga kaso, madalas mangyari na hindi nakakayanan na dalhin ng personal ng abogado sa husgado ang nasabing mga pleadings. Dahil sa dami ng trabaho, minsan sa panghuling araw na ibinigay ng husgado natatapos ang […]

Kwento ng isang kusinero

Ang pag-uusapan nating kaso ngayon ay tungkol sa isang kusinero. Hindi ito yung kuwento kung saan sinabi ng amo sa kanyang kusinero na nagsisisi na siya sa kanyang pang-aapi sa huli at mula sa oras na iyon ay hindi na niya ito aapihin. “Hindi bale sir,” sagot naman ng kusinero. “Mula ngayon, hindi ko na […]

Labor-only o job contracting?

Tatakayin natin ngayon ang kaso ng South Development Company Inc. , et. al. vs. Sergio Gamo, et. al. (G.R. No. 171814, May 8, 2009) kung saan muling nilinaw ng Korte Suprema ang mga alituntunin tungkol sa “ labor-only contracting”. Mahalaga ito dahil marami sa mga kompanya ngayon ang gumagamit ng “labor-only contracting” upang sagkaan ang […]

NASA jobsite sina Ruel Ramos, Nestor Rivera, Robert Tulop at Henry Torres noong Abril 2, 2009 nang damputin sila ng limang guwardiya ng kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan sa Tripoli, Libya. Ayon sa mga guwardiya, dadalhin sila sa isang ‘accomodation’ dahil ililipat umano sila ng trabaho. Ang hindi nila alam, pauuwiin na pala sila sa Pilipinas – […]

Warrantless arrest

PINAG-UUSAPAN ngayon ang pagkamatay ng asawa ng tanyag na brodkaster na si Ted Failon. Ngunit mas pinag-uusapan ang isinagawa ng pulisyang imbestigasyon sa pangyayari at ang naging resulta nito. Marami ang nagtaas ng kilay nang biglang arestuhin ng pulisya ng walang warrant of arrest si Ted Failon, ang drayber at mga kasambahay ng pamilya, ang […]

Imposible, lalo ngayon

Haharangin at haharangin ang Charter Change (Cha-cha) hangga’t malinaw na pakulo ito para pahabain ang termino ni Pangulong Arroyo at lalong pagharian ng dayuhang mga mandarambong ang ating bansa.