Unang linggo ni junior bilang presidente
Sa hinaba-haba ng unang linggo ng bagong pangulo, pinag-usapan pa rin ang relasyon ng bansa sa US at China, ang mga kagamitang pandigma, mga plano ng malalaking negosyo, plano sa agrikultura at paglilinis sa mga ahensya. Sneak preview o paunang silip pa lamang ito kumbaga sa pelikula. Hindi pa buo ang kuwento sa magiging pagpapatakbo ng isang junior sa Palasyo.