Dear Meg, kailangan bang mawalan ng pag-asa?
Hindi natin maunawaan kung bakit pipiliin ng taumbayan ang mga umaastang pinuno ngunit walang pakialam sa kanilang kalagayan. Bakit iboboto ang walang-puso, mandarambong, at mamamatay-taong rehimen na kahit kailan ay di nagpahayag ng pag-ako at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan?