Husgahan Natin

Kamatayan, aksidente o pagkakasakit kaugnay ng trabaho

Iniiwasan natin ang pinsala o kamatayan ng manggagawa dulot ng trabaho. Upang tulungan ang mga manggagawa, nariyan ang Employees Compensation at State Insurance Fund na binuo ng Presidential Decree No. 626 (PD 626). Pinalakas ito sa pamamagitan ng Republic Act No. 11058 o Occupational Safety and Health Standards Law na inaprubahan noong Agosto 17, 2018. […]

2023 Badyet ng NLRC, tinutulan ni Marcos Jr.

Nitong nakaraang Disyembre 16, 2022, inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang P5.268 trilyon na badyet ng Pilipinas para sa taong 2023. Dangan nga lang at may mga probisyon sa pambansang badyet na tinutulan ang pangulo. Kabilang sa mga tinutulan ni Marcos Jr. ang probisyong may kaugnayan sa badyet ng National Labor Relations Commission (NLRC).

Kaliwa Dam: Tigil na ba talaga?

Ang pag-anunsyo ng DENR na tinigil muna ECC sa paggawa ng Kaliwa Dam ay isang magandang balita. Ito ay nakamit sa pamagitan ng pagtulungan ng mga kababayan nating maka-kalikasan at iba pang sektor na tumitingin sa maayos nating kinabukasan. 

Benepisyo sa Pagkamatay ng Manggagawa

Sa mga manggagawang namatay o nagkaroon ng kapansanan sanhi ng sakit o aksidente dahil sa trabaho, ang Presidential Decree No. 646 ay nagbibigay sa kanila o sa kanilang naulila ng benepisyo sa pamamagitan ng Social Security System (SSS). 

Hindi pagbanggit sa naging dating trabaho

Kung ang isang empleyadong nag-apply sa trabaho ay nakaligtaang magsabi sa kanyang aplikasyon na dati na siyang nagtrabaho sa ibang kompanya, maaari ba itong maging dahilan upang tanggalin siya sa bagong trabaho?

Pag-abandona sa trabaho

Kailan maituturing na tuluyang iniwanan o inabandona na ng isang manggagawa ang kanyang trabaho?  Nilinaw na ito ng Korte Suprema sa isang kasong hinatulan noong Agosto 17, 2022. Sa nasabing kaso, nagsimula bilang karaniwang empleyado si Lucena ng Cornworld Breeding Systems Corporation. Dahil sa kasipagan, nagawa napromote siya at naging opisyal ng kumpanya. Isang araw […]

Nahuling Pagbigay Ng Affidavit

Sa kaso ni Marlon, walang naibigay na paliwanag ang Aeroplus. Kaya, sabi ng Korte Suprema, nagkamali ang NLRC.  Ito ang dahilan ng pagbaliktad ng Korte Suprema sa desisyon sa kaso ni Marlon at inutusan nito ang  Aeroplus na bayaran ang kaukulang  backwages at separation pay.

2022 SONA ni Pang. Bongbong: Naiwanan ang kahilingan ng mga manggagawa?

Hanggang ngayon, pinag-uusapan ang nakaraang State of the Nation Address o SONA ni Pang. Bongbong Marcos. Sinimulan niya ang kanyang mahigit isang oras na talumpati sa pagkilala na ang paghihirap ng ating ekonomiya sa kasalukuyan ay dulot ng pandaigdigang pandemyang COVID-19 at ng kasalukuyang hidwaan sa Europa. Gayunpaman, nananatili siyang positibo na kakayanin ang lahat […]

Usapin tungkol sa appeal bond

Ang appeal bond na dapat bayaran ng kompanya ay kung magkano ang halagang naipanalo ng manggagawa sa Labor Arbiter, bawas lamang ang halagang binigay sa manggagawa bilang attorney’s fees at damages.