Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Si Atty. Remigio D. Saladero, Jr. ay ipinanganak sa Nuralah, South Cotabato noong Enero 27, 1959. Panganay sa apat na anak nina Remigio Saladero Sr. at Thelma Damandaman na kapwa guro. Si Atty. Saladero ay agad nagpakita mg gilas sa kanyang pag-aaral mula sa elementarya sa Sto. Nino Elementary School, sa Koronadal National High School. Ang kanyang unang kurso sa kolehiyo ay sa Mindanao State University kung saan niya natapos ang AB Political Science. Sa lahat nang ito, nanguna si Atty. Saladero sa larangan ng akademya. Nuong 1979, matapos maging Cum Laude ay ipinasya niyang lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang napiling karera. Nag-aral siya ng batas sa San Beda College at ipinasa ang Bar Examinations nuong 1984, sa rating na 88.95 porsiyento, bilang pang-17 pinakamataas na grado.

2022 SONA ni Pang. Bongbong: Naiwanan ang kahilingan ng mga manggagawa?

Hanggang ngayon, pinag-uusapan ang nakaraang State of the Nation Address o SONA ni Pang. Bongbong Marcos. Sinimulan niya ang kanyang mahigit isang oras na talumpati sa pagkilala na ang paghihirap ng ating ekonomiya sa kasalukuyan ay dulot ng pandaigdigang pandemyang COVID-19 at ng kasalukuyang hidwaan sa Europa. Gayunpaman, nananatili siyang positibo na kakayanin ang lahat […]

Usapin tungkol sa appeal bond

Ang appeal bond na dapat bayaran ng kompanya ay kung magkano ang halagang naipanalo ng manggagawa sa Labor Arbiter, bawas lamang ang halagang binigay sa manggagawa bilang attorney’s fees at damages.

Ang Labor Education Act of 2021

Sa panahong ito na uso ang tanggalan dahil sa Covid-19 pandemic, mahalaga sa ating mga manggagawa ang mabigyan ng sapat na karunungan tungkol sa kanilang karapatan.

Walang humpay na pagpatay

Wala tayong nakikita na maaaring maging solusyon sa bagay na ito kundi palitan ang mga lider natin ng mga marunong gumalang at magmahal hindi lang sa mga pambansang batas natin kungdi pati na rin sa international law.