Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Si Atty. Remigio D. Saladero Jr. ay ipinanganak sa Nuralah, South Cotabato noong Enero 27, 1959. Panganay sa apat na anak nina Remigio Saladero Sr. at Thelma Damandaman na kapwa guro. Si Atty. Saladero ay agad nagpakita mg gilas sa kanyang pag-aaral mula sa elementarya sa Sto. Nino Elementary School, sa Koronadal National High School. Ang kanyang unang kurso sa kolehiyo ay sa Mindanao State University kung saan niya natapos ang AB Political Science. Sa lahat nang ito, nanguna si Atty. Saladero sa larangan ng akademya. Noong 1979, matapos maging cum laude ay ipinasya niyang lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang napiling karera. Nag-aral siya ng batas sa San Beda College at ipinasa ang bar examinations noong 1984, sa rating na 88.95 porsiyento, bilang pang-17 pinakamataas na grado.

Walang humpay na pagpatay

Wala tayong nakikita na maaaring maging solusyon sa bagay na ito kundi palitan ang mga lider natin ng mga marunong gumalang at magmahal hindi lang sa mga pambansang batas natin kungdi pati na rin sa international law.

Ang kaso ng Sinovac

Alam ba ninyo na nagkaroon ng kaso sa Korte Suprema laban sa administrasyong Duterte para itigil ang paghango at paggamit sa Sinovac vaccine bilang gamot sa Covid-19?

Ang NTF-Elcac ng administrasyong Duterte

Isa sa mga paraan upang masugpo ang paglawak ng komunismo ay ang pagbigay nito ng pabuya sa mga barangay na nagawa nang tanggalin ang banta ng mga communist terrorist group sa kanilang mga nasasakupan.

COA Audit report at ang Covid-19 pandemic

Sa annual audit report para sa taong 2020 na inilabas ng COA nitong Agosto 11, 2021, nadiskubre ng kagawaran ang napakaraming kakulangan ng DOH sa pamamahala nito sa P67.3 bilyon na pondo na nakalaan sana para labanan ang Covid-19.

Pagtigil sa suporta, kasalanan ba?

Ayon sa Korte Suprema, ang RA 9262 (Anti–Violence against Women and their Children Act) ay nagbibigay ng parusa sa anumang aksyon na magdudulot ng mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation sa isang babae o sa kanyang anak kasama na ang hindi pagbibigay rito ng suportang pampinansiya.