Opinyon

Peyups

Kung mayroon mang makikinabang sa deklarasyong pinirmahan, ito ay ang pamunuan ng UP at AFP dahil mayroon nang dokumentong magpapatunay ng “magandang relasyon” ng dalawang institusyon habang patuloy ang karahasang ginagawa ng militar sa mga kritikal na elemento ng pamantasan.

Pondong pangkalusugan, huwag ibulsa

Ngayong naipon na ang pinalobong pondo, gusto nitong anihin ng administrasyong Marcos Jr. para sa sarili niyang pork barrel. Pondong puwede niyang gamitin para sa mga proyektong magpapabango sa datos ng ekonomiya, o para sa nalalapit na eleksiyon.

Hindi lumikas, walang ayuda

Isang hamon ko sa mga politiko: Tuparin ang mandatong tumulong sa inyong nasasakupan na walang kapalit. Respeto naman sa mga nasalanta

Posas

Lahat na ‘ata ng klase ng karahasan, mararanasan tuwing eleksiyon. Hindi tayo natututo at paulit-ulit na lang ang pagsasamantala sa atin ng mga tradisyonal na politiko at dinastiya.

Baling lapis

Hindi ako naniniwala sa pamahiin. Ano bang magagawa ng binaling lapis sa paanan ni Oblê, pagpapatasa ng lapis sa mga nakapasa sa pagsusulit o ng kung ano pang pakulo para makapasa?

Uhaw na mamamayan

Sa isang bahagi ng Kamaynilaan kung saan tanaw ang karagatan, matatagpuan ang Baseco Compound sa Port Area kung saan kami naninirahan. Bagaman malapit sa dagat, nagdurusa kami sa kakulangan ng suplay ng tubig.

Amerika ang promotor ng gulo

Desidido ang Washington na itulak at udyukin pa ang gulo sa West Philippine Sea. May kaguluhan man dahil sa water cannon attack ng Chinese Coast Guard, mas malinaw namang paghahamon ng giyera ang malawakang pag-iimbak ng armas.

Kahon 

Kung isa ka sa mga naniwala na lalaki si Imane Khelif at naniwalang ‘di patas ang naging laban nila ng puting babaeng kalaban niya, tiyak na kasama ka sa mga nabiktima ng fake news.

Wika

Ito ang panahong dapat na mapaisip tayo: Bakit kailangan ng espesipikong “Buwan ng Wika” para ipagmalaki ang sariling atin?